15 Mayo 2024 - 07:48
Ang mga liham ni Ayatollah Khamenei ay gumising sa mga kabataang Kanluranin

Isang forum ang ginanap sa 35th Tehran International Book Fair (TIBF) upang talakayin ang dalawang liham ng Pinuno ng Rebolusyong Islam, na si Ayatollah Seyed Ali Khamenei sa mga kabataan sa Kanluran.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang forum ang ginanap sa 35th Tehran International Book Fair (TIBF) upang talakayin ang dalawang liham ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon, na si Ayatollah Seyed Ali Khamenei sa mga kabataan sa Kanluran.

Ang ilang mga eksperto ay tumugon sa forum noong Lunes, na idiniin nila, na ang mga liham ay naging sanhi pag-gising sa mga kabataan sa US at sa Europa.

Sinabi ni Masoud Tavakkoli, isang dalubhasa sa internasyunal na gawain, na sa unang liham, nakipag-usap ang Pinuno sa mga kabataan ng Kanluran tungkol sa Islam, na binanggit niya, na dapat nilang matutunan ang tungkol sa Islam na walang negatibong propaganda laban sa Islam.

Binigyang-diin din niya, ang pangangailangan para sa pagsasanay ng mga eksperto upang ipakilala ang Islam sa Kanluran.

Si Mohammad Mehdi Ahmadi, ang dating kultural attaché ng Iran sa Espanya, ay nagsabi, na ang mensahe ng Pinuno ng Robolusyon ng Islam ay naging dahilan upang magising ang budhi ng mga kabataan sa Kanluran.

Aniya, lumikha ito ng isang diskurso laban sa diskursong Kanluranin, na naglalayong ilarawan ang Islam bilang isang relihiyon ng karahasan.

Sinipi niya ang isang kilalang Espanyol na may-akda, na nagsasabi sa kanya, na ang pagsasalin ng mga liham ni Ayatollah Khamenei ay nagpakita, na ang kanyang diskurso ay iba sa mga nagsasalita sa pangalan ng Islam ngunit ang kinalabasan ng kanilang pag-uugali ay karahasan.

Nabanggit ng may-akda ng Espanyol, na ang Pinuno ng Islamikong  Rebolusyon ng Iran ay nananawagan sa mga kabataang Kanluranin para matuto tungkol sa Islam sa pamamagitan ng orihinal na mga mapagkukunan nito, iyon ay ang Quran at Etrat ng Mensahero (AS), sinabi ni Ahamdi.

Si Avandar Turkli, isang kinatawan ng Tasneem Publication sa Turkey, ay isa pang tagapagsalita sa forum.

Sinabi niya, na pagkatapos na ang mga liham ni Ayatollah Khamenei ay isinalin at mailathala sa Turkish ng publikasyon, ito ay natanggap nang mabuti kung kaya't nagpasya din ang Kawthar Publication, na i-publish ang libro.

Nanawagan siya ng higit pang pagsisikap na isulong at ipaliwanag ang nilalaman ng mga liham.

Sumunod naman, si Hossein Mohammadsirat, isang faculty member ng Unibersidad ni Imam Sadiq (as), ay kumuha ng podium, na nagsasabing pagkatapos ng isang dekada mula nang mailathala ang mga liham, ang lupa ay inihanda para sa pagsasakatuparan ng kanilang nilalaman.

Sinabi niya, na ang mga protesta sa mga Unibersidad at kampus sa US at Europa ay sa paanuman ay ang pagsasakatuparan ng hula na ginawa ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon.

Sa pagtatapos ng forum, inilabas ang mga pagsasalin ng dalawang aklat ni Ayatollah Khamenei sa Urdu, Pashtu at sa Swedish.

Unang sumulat si Ayatollah Khamenei sa mga kabataan ng Europe at sa North America noong Enero 21, 2015, upang ipinaliwanag ang mga dahilan sa likod ng pagsisikap ng Kanluran na maikalat ang Islamophobia.

Nang maglaon noong Nobyembre 29, 2015, ipinadala na naman ni Ayatollah Khamenei ang pangalawang liham kasunod ng isang serye ng mga pag-atake ng terorista sa France, na nagpaliwanag sa mga tunay na salik sa likod ng terorismo at hinihiling sa mga kabataan para "maglagay ng pundasyon para sa isang naaangkop at marangal na pakikipag-ugnayan sa mundong Muslim batay sa sa tamang kaalaman at may malalim na pananaw at sa pamamagitan ng pagsasamantala sa mga trahedya na karanasan (ng mga nakaraan)”.

........................

328